gabi na naman.
malalim na naman ako mag-isip. malalim pero walang kwenta. walang kwenta pero tuloy pa rin. sabi ng marami, mashado raw akong emo. abot hanggang buto ang kasentihan. abnormal kasi pabugso-bugso ang topak. mamaya-maya makulit pero mamaya e nakakatakot na mag-icip.
ndi naman ako ganito dati. simple lang ang tingin ko sa bawat sitwasyon. dati, pag sinabi mong puno, dahon at hangin - as is. pero ngyn, meron na akong nalalaman na keso kasalanan ba ng puno na pinakawalan nya ung dahon o nakawala ung dahon dahil sa pagsusumikap ng hangin. komplikado. minsan, gusto mo na sana parang damit na lng ung utak mong pedeng mong palitan pag ndi ka na komportable. pero madalas, wala kang magawa kasi parang sirang plaka ung utak mo na ndi na matapos tapos ang pinagiisip at parang spongebob na ung puso mong ndi na alam kung pano pa iaabsorb lahat.
magbago. kung pede lng magbago, matagal ko ng ginawa. kasi feeling ko, mashdo na akong weird. minsan, gusto mo na lng maging manhid o kaya insensitive para mas maging simple ang lahat. para pag sinabi mong gulong, iisipin ko lang e ung apat na bilog na umiikot sa isang sasakyan. ndi ko iisipin na ang buhay ay parang gulong na paikot-ikot, minsan asa taas pero minsan asa baba. minsan masaya, minsan malungkot. na keso sa buhay, ndi sa lahat ng oras e nasa taas ka palagi kasi kung ganon, ndi ka mkakarating sa paroroonan mo. parang gulong, paikot ikot pero sa kabila ng hirap, sa kabila ng lahat - makakarating ka naman sa destinasyon mo. blah blah blah. oo na, weird na naman ako.
pano pag merong nagpaalam sayo. umalis sa ndi maipaliwanag na rason. pag gagawing kong simple ang sitwasyon, iisipin kong karapatan nya un at dapat maging masaya ako sa desisyon nya. kung alam kong may nagawa naman akong mali, magsosorry ako, ieexplain ko ung side ko at hopefully, magkakahiwalay kaming at peace. at kung walang problema o alitan - isang mahigpit na yakap, isang huling ngiti at pangakong anjan lang kau para sa isa't isa dahil kahit na anong mangyari - magkaibigan pa rin kau.
pero pano pag ginawa kong komplikado ung sitwasyon. pano pag sa likod ng isang munting pagpapaalam e isang malaking pagbabago. pano pag akala mo okay lng lahat pero simula na pala un ng pagbabagong ndi mo maipaliwanag. pano pag wala kang magawa kasi ndi mo alam kung pano sha nagsimula at kung pano sha magtatapos. pano pag sa bawat anggulo mo na tignan mo ung sitwasyon, kahit na alam mong wala kang ginawang masama intentionally - in the end eh sinisisi mo pa rin ung sarili mo sa lahat ng nangyari. pano pag sa kabila pala ng simpleng pagpapaalam e isang malaking tampo at hinanakit na di kinalaunan ay nabuong galit na ndi mo na maalis. pano pag narealize mong after ng pagpapaalam na un, things won't never be the same again. pano pag pinagbgyan mo ung gusto nya pero iisipin nyang nitake for granted ko lng lahat ng pinagsamahan. pero pag ndi mo naman niacknowledge, pano pag iisipin nyang wala kang pakealam.
tama nga siguro ung nanay ko. isa akong gunggong dahil ganito ako magisip. pero ndi naman ako manhid. mapasimple man o komplikado ako magisip, ang pagpapaalam ay ndi ko kontrolado. sa kung ano mang rason, kelangan ko un akapin at tanggapin at maging masaya para sa kanya sabay bulong sa sarili, "may rason kung bakit ganito."
hay, mali. madaling araw na pala.